Sunday, May 24, 2009

Personality Type

The Analytical Thinker

Parang tutuo na parang hindi naman. Nakakatuwa na nakakainis din. Absent-Minded Professor na Mad Scientist na may pagka-maniac ng konti pero sandali lang... tapos manhid uli?

Mababaw lang ang kaligayahan sa materyal na aspeto, at mas enjoy sa pagtuos ng mga bagay-bagay at kadahilanan ng kung bakit ang ibang adobo masarap, ang iba masabaw lang. Pwede.

Hindi ma-reach ng mga kasamahan sa work, aloof-aloofan. At galit sa walang humpay na daldalan ng mga kaopisina na wala namang ka-kwenta kwenta. Pwede.

Parang DSLR and utak, walang karanasan o kaalamang nalilimutan, pwera na lang kung forgettable talaga. Pwede.

O sya sya, AT na kung AT.

Posted using ShareThis

2 comments: